City College Hymn
Nagsimulang maliit at hamak Unti unting yumabong at sumigla Pangarap na sa pagtutulungan ay natupad At sumibol ang bagong pag asa Arya San Joseno, mabuhay ka Itanyag ang paaralan sa bayang maharlika Kabataang hinubog, ipinagmamalasakit ka Paka iingatan at mamahalin ka Kasabay ng mabilis na pag unlad Ang paglitaw ng isang bagong umaga City College of San Jose Del Monte Paaralang tatag para sa ating lahat Arya San Joseno, mabuhay ka Itanyag ang paaralan sa bayang maharlika Kabataang hinubog, ipinagmamalasakit ka Paka iingatan at mamahalin ka Sa mga pinuno, guro, mga magulang Na siyang gabay sa aming pag aaral Pasasalamat ay nasa aking puso Dulot ng maykapal, biyaya'y tagumpay Tagumpay! City College of San Jose Del Monte Tahanan at linangan ng karunungan Katuparan ng aming mga pangarap Ikararangal ka magpakailanman Katuparan ng aming mga pangarap Ikararangal ka magpakailanman